TINGNAN: Bantay dagat Municipal FARMC ng Caraga, Davao Oriental, patuloy sa kanilang seaborne patrol operations.
Patuloy na isinasagawa ng bantay dagat Municipal FARMC ang boarding inspection ng mga bangka na pumapalaot sa karagatan ng Caraga, Davao Oriental.
Kabilang rin sa kanilang operasyon ang pagsisiguro sa kaligtasan ng mga pumapapalaot na mga mangingisda sa pamamagitan ng pagpapaalala na magsuot ng face masks at ang pagsunod sa social distancing.
Ang pagtatalaga ng Fisheries and Aquatic Resources Management Council O FARMC ay nakapaloob sa batas ng BFAR Fisheries Administrative Order No. 196, bilang isang fisherfolk empowerment program ng gobyerno sa komunidad.
Ito ang nagsilbing boses ng mga mangingisda sa pag rekomenda ng mga angkop na batas pangpangisdaan tungo sa mas epektibong pangangasiwa ng karagatan.
Sa kabilang banda, patuloy rin na isinasagawa ng BFAR 11 Fisheries Resource Protection Group (FRPG) ang patrol sa karagatan ng Davao City.
Ito ay upang mas mapaigting ang operasyon na protektahan ang karagatan laban sa lahat ng uri ng mga ilegal na aktibidad.
Photo via: Reyan Candido