Namahagi ng nakumpiskang imported tuna rib meat at Skipjack (Budlisan o Tulingan) bloodmeat ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) XI sa 22 charitable institutions kasama ang mga pamilyang apektado ng landslides sa Masara, Maco, Davao de Oro at mga katutubo sa Marilog District, Davao City. Ang mga nakumpiskang isda ay tumitimbang ng mahigit 2,325 kilos o 155 kahon, at nagkakahalaga ng PHP292,500.00. Ang pamamahagi ay naganap mula Agosto 7 hanggang Agosto 15 ng kasalukuyang taon.

Ang mga nakumpiskang isda ay mula sa importers na nakabase sa Lungsod ng Davao. Ito ay nag-angkat ng mga pangisdaang produktong walang wastong permit, lumalabag sa Republic Act 10654 o “𝘈𝘯 𝘈𝘤𝘵 𝘵𝘰 𝘗𝘳𝘦𝘷𝘦𝘯𝘵, 𝘋𝘦𝘵𝘦𝘳 𝘢𝘯𝘥 𝘌𝘭𝘪𝘮𝘪𝘯𝘢𝘵𝘦 𝘐𝘭𝘭𝘦𝘨𝘢𝘭, 𝘜𝘯𝘳𝘦𝘱𝘰𝘳𝘵𝘦𝘥 𝘢𝘯𝘥 𝘜𝘯𝘳𝘦𝘨𝘶𝘭𝘢𝘵𝘦𝘥 𝘍𝘪𝘴𝘩𝘪𝘯𝘨” at ng BFAR Memorandum Order tungkol sa striktong pagpapatupad ng mga tuntunin sa importasyon.

Ayon kay BFAR XI OIC – Regional Director Relly B. Garcia, ito na ang ika-tatlong insidente ngayong taon na nahuli ang isang importer. Ang mga nakumpiskang produkto ay pinoproseso ayon sa umiiral na batas at regulasyon.

Ang mga benepisyaryo ay natukoy sa pamamagitan ng pakikipagtulungan ng BFAR XI – Fisheries Inspection and Quarantine Unit (FIQU), Fisheries Management Regulatory and Enforcement Division – Enforcement Regional Monitoring Control and Surveillance Operation Center (FMRED-ERMCSOC), Regional Fisheries Training and Fisherfolk Coordination Division – Information Unit (RFTFCD-IU), City/Provincial Fisheries Office ng Rehiyon ng Davao, at mga lokal na pamahalaan.

Narito ang mga organisasyong nabahagian:

Davao City:

•Indigenous People in Marilog District

•Talikala, Inc.

•Quick Response Team for Children

•Reception Study Center for Children

•Paginhawaan Drop-in Center

•Countryview Home for the Aged

•Children’s Village of Davao City Bahay Pag-asa

Digos City, Davao del Sur:

•Camillian Sisters

•Haven of Hope Orphanage Philippines, Inc.

Panabo City, Davao del Norte:

•Mariphil Foundation

Tagum City, Davao del Norte:

•Hope Tagum Youth Center

•DSWD Home for the Aged

•Queen of Apostles College Seminary

•Gloria Christy Regis Center

Mati City, Davao Oriental:

•Reception Study and Diagnostic Center

•Kasanag Drop-in Center – CSWDO

San Isidro, Davao Oriental

•House of Joy Foundation Inc.

•Angel House

Maco, Davao de Oro:

•Voltaire Crusade Foundation for Tent City (Masara landslide-affected families)

Mawab, Davao de Oro:

•Mawab Federation for Differently-abled Person

Nabunturan, Davao de Oro:

•Bahay Pag-asa Transition and Rehabilitation Home for Children

•Bahay Pangarap Home for Women and Girls

Pinapayuhan naman ng BFAR XI ang mga importer na sumunod sa mga wastong proseso ng importasyon. Mahalaga na tama ang dokumentasyon para mabantayan at maregulahan ang mga produktong inaangkat mula sa ibang bansa.